
Powered for Blogger
by Blogger templates
Kanina lang ako umaga nakauwi ng mga bandang alas-kuwatro ng madaling araw. Nangailangan akong manatili ng gabing iyon para tapusin ang documentation na matagal ko nang ginagawa.
Kaya mula nang alas-8 ng gabi kahapon hanggang alas-4 ng madaling araw kanina, nagta-type ako sa aking laptop habang tumutugtog ang "Dreamgirls" soundtrack ng halos apat na beses paulit-ulit.
Pilit kong rin na hindi pansinin ang mga guni-guning naglalaro sa aking paningin. Mahirap din minsan ang nag-iisa ka sa isang opisina na matataas ang mga dingding ng cubicles na aming pinaglalagyan ng aming mga makina at anik-anik. Buti na lang di ko pinili matakot kagabi kung hindi, di ko rin maabot ang 80% completion ng aking ginagawa.
Malaking pasasalamat ko sa mga kachat ko sa ym including Jojo na nagsusunog din ng kilay hehehehe. Kahit papaano, ang pagdadaldal nila ang nagpagising sa akin sa mga oras na iyon.
Sa aking pag-uwi, di rin biro ang kumuha ng taxi. Hindi lang dahil sa malayo ang tinitirhan ko kundi pati rin sa late-night charge ni pinapatong nila. Kaya kagabi, ang aking taxi fare ay umabot sa 35 SGD. Sa 35 SGD, makakalibre ka na ng dinner for 4 sa Pizza hut at Cafe Cartel o makabili ng magandang blouse o makanood ng sine ng tatlong beses. Malaki talaga kinikita ng mga taxi drivers dito.
Mamaya ulet, malamang magsusunog ako ng kilay. Sana matapos ko na.